“HEALTH IS WEALTH” , ika nga ng iba,mahalaga ang ating kalusugan. Walang katumbas na salapi ang kalusugan ng isang tao. Paano nalang kung may karamdaman kang iniinda at hindi mo ito namamalayan? Tulad na lamang ng dengue, paano mo ito maiiwasan?
Noong ika -12 ng Hulyo 2016, inilunsad ang Allied Against Dengue Philippines para magkaisa ang lahat sa paglaban at pagtupok sa dengue.
Walang humpay na pag-ulan ay isa sa mga. sanhi ng maraming sakit. Tulad na lamang ng dengue ito ay isa sa mga sanhi kung bakit marami sa mga tao ang nilalagnat sa tuwing umuulan, maraming tubig ang naiipon sa mga paligid ng ating bahay, doon ay nababahayan ito ng mga lamok. Sila’y nangingitlog, at dumadami. Dahil dito,marami na ang dengue cases dito ss ating bansa. Ang dengue ay isang sakit na dumadapo sa tao na kinakalat ng mga babaeng lamok na Aedes. Kung ikaw ay nilalagnat at may nararamdaman kang malalang pagsakit sa ulo,pananakit sa likod ng mata,skin rashes,pafhihilo at pagsusuka o pananakit ng ng muscles at joints ay ilan sa mga simtomas ng dengue. Upang hindi lalala,pumunta agad sa doktor at magpakonsulta. Ang paglala ng sakit na ito ay maaaring hahantong sa pagkamatay ng isang tao.
Upang maiwasan ang pagkaroon ng dengue, siguraduhing walang mga lalagyan ng tubig ang nababahayan ng lamok. Itaob ang mga lalagyan palagi at siguraduhing tuyi ang mga ito. Kung sa labas ng bahay, kailangang itaob rin ang mga nakakalat na bagay na maaaring maipunan ng tubig. Sa pagtulog,gumamit ng kulambo o insect lamps upang maiwasan ang pagkagat ng lamok na nagdadala ng dengue virus.
Walang gamot o anti-biotic para sa dengue virus. Tatong mga Pilipino ay may paniniwala na ang katas ng dahon ng papaya ay makakatulong sa paggamot ng dengue fever.
Taong 2016,isang bakuna ang inaprubahan ng World Health Organization para sa mga dengue-endemic areas. Ito ay maaari lamang ibigay sa mga nakitaan na ng simtomas ng dengue.
“HEALTH IS WEALTH”
Laging tandaan,dapat laging handa sa mga bunga ng kalamidad tulad ng dengue sa bagyo uoang tayo ay malusog at walang inaalalang pinapasan.