Sinimulan ng mga Speakers ang Mini Press Conference na sila Mrs.Merilyn Tiladua, Mrs.Yvette Lawas, Hon. Mayor Mercy Apura at Dr. Eric Domingo. Agosto 09, 2019 araw ng Sabado naganap ang naturang Mini Press Conference sa loob ng Carcar City Division.

              “Dengue Virus ay isang malalang sakit na patuloy na naganap sa kasalukuyan. Ito’y madaling kumalat sa mga Urban poor Areas at makakaapekto sa bawat indibidwal” sabi ni Mrs. Merilyn Tiladua na isa sa mga Speaker.

                Ayon naman kay Mrs. Yvette Lawas , ang Dengue ay isang sakit na sanhi ng isang virus at wala pang alam na tiyak na gamot at bakuna para dito. Ang epektibong pagsusubaybay ay malaking tulong upang mabawasa ang tungo sa pagkamatay ng may sakit nito lalo na sa mga lugar na may mataas na kaso nito. Kabilang sa mga simptomas ng dengue ay matinding sakit ng ulo, sakit sa buong katawan, Rushes at iba pa.

                Batay sa panayam ni Dr. Eric Domingo-DOH Undersecretary, mula Enero 1 hanggang Marso 2 umabot sa 40,614 ang kaso ng sakit na  Dengue karamihan sa mga kaso ng Dengue ay nagmula sa Rehiyon VI Western Visayas na may 23,330 na kaso, kasunod nito ang CALABARZON na may 16,515 na kaso, kasunod nito ang Rehiyon IX Zamboanga Peninsula na may 12,317 na kaso, sunod nito ang Rehiyon X Northern Mindanao na may 11,455 at ang SOCCSKSARGEN na may 11,083.

              Ayon kay Hon. Mercy Apura nakapagbigay na ang LGU ng  Net Anti -Dengue Chemical upang mabawasan ang pagkalap ng Dengue.

              Sa kasalukuyan, isinulong na ng DOH ang Programmang 4 o’clock habits at ang  4s campaign against Dengue Una Search and Destroy Mosquito Breeding Places, kasunod ay ang Secure Protection, sunod ang Seek for Early Consultation at ang Support Package na sa pamamagitan ng programmang ito makakatulong kung paano maiiwasan at mababawasan ang sakit na Dengue.

Leave a comment