Sunod-sunod na pagpuntos ni Mary Franz Pueblos ang naging dahilan para manalo siya sa laban nila ni Arcel Alvares sa “The Exhibition Game in Preparation of Palarong Panlungsod” na ginanap sa Inner Court ng Carcar Central Elementary School, kaninang 11:30 AM, Agosto 10, 2019, Sabado.

                Sa dalawang round ng laro ay ipinakita ni Mary Franz ang kaniyang kahusayan sa  paglalaro ng badminton. Unang round palang ng laban ay nagpakita na ng mga kakaibang istratehiya sa pagtira si Mary, sa puntos na 4-8 ay kaniyang  napanalunan ang unang round ng laro.

                Sa ikalawang round ng laro ay nagsimula ng humabol si Arcel ngunit talagang hindi nagpapatalo si Mary, sa puntos na 12-16 ay kaniyang nakuha ang kampyunato.

                Bata palang si Mary Franz ay nakahiligan na niya ang paglalaro ng badminton, “3-4 oras na training everyday” ayon sa kaniya.” Aim first, para makapunta sa CVRAA” dagdag niya dito. Sa edad na 11 ay pursigido na siyang panalunin ang mga bagay na kaniyang kinahhihiligan at para kanino ito ialay.

                Naging emosyonal naman si Arcel sa isang panayam “I am feeling sad” ayon sa kaniya “magpapraktis ako 2 hours everyday” dagdag niya dito. Sabi pa niya “badminton my happiness” at talagang makikita mo ito sa kaniyang mga laro.

                Ang larong “The Exhibition Game in Preparation of Palarong Panlungsod” ay ang paghahanda ng mga manlalaro sa nalalapit sa Palarong Panlungsod.

Leave a comment