Giyera laban sa Dengue

    Ang lamok ay isa lamang itong maliit na bagay ngunit kapag  nakagat ka nito ay nakakapinsala ng tao. Matitigil pa ba ito? May solusyon ba ukol dito?

           Isa sa kasalukuyang kinakaharap na problema ng Pilipinas ay ang “Dengue virus” na kung saan itoy palala ng palala. Naitala ng Department of Health na noong January 1-March 2, ay umabot sa 40,614 ang nagkasakit ng dengue. Ito ay mas mataas ng 68% kesa noong nakaraang taon na umabot lamang ng 24, 331 ang kaso ng dengue. Kaya naman noong August 6,ang DOH ay nag request sa NDRRMC na ideklara ang NATIONAL EPIDEMIC AGAINST DENGUE.

              Ang kadalasang naaapektuhan nito ay ang mga bata sapagkat sila ay may mahihinang “immune system”. Ang mga estudyanteng naitala na namatay ay umabot na ng 622. Base sa obserbasyon ay umaakyat bawat tatlo hanggang apat na taon ang kaso ng dengue.

              ” We can’t treat the Dengue but the symptoms, all we can do is to prevent it” ika ni Mrs. Yvette Lawas.

                  Ang tamang gawin natin ay sundin ang progmang 4’s na nangangahulugang “search and destroy mosquito bleeding, secure protection, seek for early consultation at ang support package”.

                  “Prevention is better than cure” para mailigtas natin ang ating mga sarili laban sa dengue ngunit mas mabuting maaga pa lamang ay dapat na natin itong solusyonan.